Ikinokonsidera ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isama ang kabuuang 1,184,768 households sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, mahigit 400,000 households ang kuwalipikado na para sa conditional cash transfer scheme, ang flagship antipoverty program ng pamahalaan.
Ayon kay Dumlao, susunod na ang 424,317 households na papalit sa beneficiaries na nagtapos na sa programa sa isinagawang “Pugay Tagumpay” ceremony.
Sinabi niya na ito ang pinakamalaking bilang na kanilang isinaialim sa validation dahil sa mataas na bilang ng beneficiaries na nagtapos na sa programa dahil gumanda na ang estado ng kanilang pamumuhay.