Doctors from the Department Of Health administer Human Papillomavirus (HPV) vaccines to children residing in Taguig City during the campaign’s formal launching ceremonies at the Lakeshore Hall in Bicutan, Monday. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Kabuuang 112 health workers ang idedeploy ng Department of Health (DOH) sa ibat-ibang Barangay sa lalawigan ng Kalinga simula buwan ng Hunyo hanggang Disyembre.

Ayon kay Dr. Bernadette Andaya, head ng provincial health office, magsasagawa ang mga itinalagang health workers ng deworming, oral health at immunization sa mga mag-aaral.

Babakunahan ng mga ito ng anti-measles vaccination ang mga nasa anim hanggang 59 months old kasama ang mga hindi pa naka-kompleto sa dalawang doses.

Ang mga itinalagang health workers ay kinabibilangan ng 88 nurses, 26 midwives, isang dentist, dalawang pharmacists, tatlong medical technologists, isang nutritionist/dietician at isang physical therapist.