Forty-nine percent ng mga pamilyang Filipino ang itinuturing ang kanilang mga sarili na mahirap nitong buwan ng Hunyo, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa SWS ang nasabing bilang ay kumatawan sa 13.7 million na mga pamilyang Filipino, mas mababa sa 14.1 million na naitala noong buwan ng Abril.
Sinabi ng SWS na ang isang puntos na pagbaba sa nationwide Self-Rated Poverty sa pagitan ng April 23-28 at June 25-29, 2025 ay dahil sa pagbaba sa Visayas at Balance Luzon, at pinagsamang pagtaas sa Mindanao at Metro Manila.
Sa mga pamilya na natukoy na mahirap, 34.8 percent ang nagsabi na hindi nila kailanman naranasan ang hindi maging isang mahirap, 6.4 percent ang hindi mahirap sa nakalipas na lima o higit pang taon, at 7.8 percent ang hindi mahirap sa nakalipas na isa hanggang apat na taon.
Forty-one percent sa 1,200 respondents ang nagsabi na hindi sila mahirap, kung saan ito ay 1 percent na pagbaba sa record high na 42 percent noong Abril.
Ayon sa SWS, 41 percent ng mga pamilya ang nagsabi na sila ay food-poor, 10 percent na food borderline, at 49 percent ang hindi food-poor.