Umaabot na sa mahigit 147 hectares ang totally damaged na mga pananim na upland rice, mga mais at mga gulay sa pananalasa ng bagyong Julian sa Batanes.
Sinabi ni Kay Olivas ng Department of Agriculture (DA) Region 2 na ito ang isinumite na initial damage report ng provincial agriculture office ng Batanes sa kanilang tanggapan.
Ayon sa kanya, sa ngayon ay patuloy ang ginagawang damage assessment ng Batanes sa mga pinsala ng nasabing bagyo.
Bukod dito, sinabi ni Olivas na may initial report ang bayan ng Sto.NiƱo, Cagayan na P1.1 million na nasirang mga pananim na mais.
Idinagdag pa ni Olivas na may mga ulat din ng mga pinsala sa mga pananim sa Aparri at livestocks naman sa Gonzaga.
Gayonman, sinabi niya na isasailalim pa ang mga ito sa validation.
Kasabay nito, nanawagan si Olivas sa lahat ng municipal agriculture officer sa Region 2 na magsumite na sa DA ng damage report ng mga pananim, livestocks at fiheries hanggang ngayong araw na ito.
Ayon sa kanya, ito ay upang may maipakita silang initial damage report sa inaasahang pagbisita sa lungsod ng Tuguegarao ni DA Secretary Francisco Laurel Tiu Jr. bukas.