
Lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS na nasa 14.5 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila sa unang quarter ng 2026.
Batay sa survey na isinagawa noong Marso 24 hanggang 31, umabot sa 52 porsyento ng mga pamilya ang nag-rate sa kanilang sarili bilang mahirap, mas mataas ng isang porsyento kumpara noong Nobyembre 2025.
Nasa 13 porsyento naman ang nagsabing borderline poor habang 35 porsyento ang nagsabing hindi sila mahirap.
Pinakamataas ang self-rated poverty sa Visayas na may 66 porsyento, kasunod ang Mindanao na may 63 porsyento.
Lumabas din sa survey na 42 porsyento o tinatayang 11.7 milyong pamilya ang nagsabing sila ay food-poor o hirap makakuha ng sapat na pagkain.
-- ADVERTISEMENT --









