Inaasahang dumating na sa unang linggo ng Mayo ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 17,000 na mga body-worn cameras.

Nasa 17,454 units ng body-worn cameras na may halagang P872 million.

Sa pagdinig ng Senado ay ini-report ni PNP Director for ICT Management Police BGen. Englebert Soriano na nasa P32,000 ang halaga ng kada unit ng body camera

Mayroong livestreaming capability ang mga body-worn cameras, may kasama na ring desktop computers, at network-attached storage.

Target ng PNP na makabili ng 90,000 body cameras hanggang 2028.

-- ADVERTISEMENT --

Tinalakay sa pagdinig ng Senado ang panukalang batas na nag-oobliga sa lahat ng mga law enforcers na magsuot ng body camera sa kanilang mga operasyon.

Sinabi ni Soriano na ang nasabing hakbang ay pagpapakita ng mas malawak na pagbabago para sa modern policing.

Ayon sa kanya, suportado ng PNP ang paggamit ng body-worn cameras sa police operations, maliban sa covert activities kung saan ang advance visibility ng recording devices ay maaaring maka-kompromiso sa operational security at kaligtasan ng kanilang tauhan.

Sinabi pa niya na mayroon nang 2,200 body cameras ang nabili ng PNP noong 2019 habang ang karagdagang 17,454 units na binili noong 2025, ay inaasahan na made-deliver sa unang linggo ng Mayo ngayong taon.