Aabot sa 3.5 million family food packs ang naka-preposition para sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyong Basyang, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakahanda ang mahigit 186,000 FFP sa CARAGA, higit 77,000 FFP sa Central Visayas, at mahigit 161,000 sa Eastern Visayas.

Habang mahigit 672,000 FFPs naman ang nakaimbak sa Luzon Disaster Resource Operations Center at mahigit 317,000 sa Visayas Disaster Resource Operations Center.

Kaugnay nito, ipinag-utos na rin ng ahensiya sa mga regional office nito na maging alerto, lalo sa mga lugar na magsasagawa ng preemptive evacuation.

Isinailalim na rin sa Blue Alert status ang DSWD kasabay ng inaaasahang pagdaan ng bagyong Basyang sa Visayas at Mindanao.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, P3.04 billion Quick Response Fund ng ahensiya ang nakahanda para sa relief at early recovery operations.