TUGUEGARAO CITY- Umaabot sa 4, 543 ang person under monitoring sa Cagayan habang 10 naman ang patient under investigation ng covid-19 sa Cagayan.

Sinabi ni Dr.Carlos Cortina ng Provincial Health Offfice sa nasabing ng bilang ng PUM, 3, 996 ang galing ng Manila habang 547 naman ang mga OFWs.

Umapela naman si Governor Manuel Mamba sa lahat na iwasan muna ang pumunta sa mga matataong lugar lalo na sa mga kabataan ngayong wala pa silang pasok.

Sinabi din ni Mamba na pag-uusapan nila sa kanilang pulong ang gagawing work scheme sa kapitolyo bilang precautionary measure pa rin sa covid-19.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, ipinatupad na ngayon ang 4 day work sa city hall ng Tuguegarao na mula 7:00 am- 6:00 pm.

Bukod dito, sinabi ni Lumine Omoso, head ng information office ng Tuguegarao na naglabas din ng executive order si Mayor Jefferson Soriano na suspended ang mga cockfights, people’s day at iba pang pagtitipon.

Umapela din si Soriano sa mga galing ng Manila na sumailalim sa 14 day sel quarantine.

Samantala, sinuspindi na rin ang pasok sa mga eskwelahan sa Kalinga simula ngayong araw hanggang April 14, 2020.

Kapansin-pansin ngayon sa mga exit at entry points sa Tuguegarao ang mga covid-19 checkpoints kung saan ay isinasailalim sa thermal scanning ang lahat ng mga dumadaan na mga motorista.