Makakatanggap ng umento sa sahod ang mahigit 64,000 na minimum wage earners sa Lambak ng Cagayan alinsunod sa bagong wage order na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Region 2.

Batay sa bagong kautusan, dagdaga na P30 ang matatanggap ng mga minimum wage earners sa pribadong mga opisina.

Dahil dito ay magiging P480 na ang sasahurin ng mga trabahador sa non agriculture mula sa P450 habang P460 naman sa agriculture industry mula sa dating P430.

Sakop din ng bagong wage order ang 49,165 na mga kasambahay na kung saan ay tataas ang kanilang buwanang sweldo ng P500 kung kaya’t magiging P6,000 na ito mula sa dating P5,500.

Sinabi ni Jesus Elpidio Atal jr. Regional Director ng DOLE R02, na epektibo ang dagdag sahod sa October 17 matapos ang 15 days na publication nito kung saan minsanan ang implementasyon nito hindi tulad sa nakalipas na taon na dalawang tranches.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Atal, nagsagawa sila ng inspeksyon upang matiyak na sumusunod ang mga establishimento sa wage increase order.

Samantala sinabi naman ni Heidelwina Tarrosa, Board Secretary ng RTWPB R02 na maaaring mag apply ng exepmtion ang mga estbalishimento na mayroong less than 10 employees.