photo credit: Cagayan-PNP

Tuguegarao City – Umaabot sa mahigit 8,000 na pamilya dito sa probinsiya ng Cagayan ang natulungan ng hanay ng kapulisan sa ilalim ng kanilang “Oplan Tulong sa Barangay”.

Sa datos ng PNP Cagayan, nasa kabuuang 8,519 na pamilya na naapektuhan ng malawakang pagbaha ang nakatanggap ng relief goods na nagkakahalaga sa kabuuang P4.2M.

Ang nasabing pondo ay galing sa National Headquarters ng PNP maging sa Regional at Provincial Office upang matulungan na makabangon ang mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

Bukod dito, namahagi rin ang kapulisan ng facemask at faceshield habang ang Quick Response Team ng Cagayan PNP ay nagsasagawa naman ng Stress at Psychological Debriefing.

Samantala, nakatakda ring ipamahagi pa ang mga relief goods na nagkakahalaga ng P100,00 sa bayan ng Solana na galing o donasyon mula sa mga pribadong sektor.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyan din ang Oplan Linis ko sa Barangay kung saan kaisa ang PNP sa paglilinis sa ibat ibang lugar na naapektuhan.

Tiniyak naman ni Cagayan Police Provincial Office Director PCol. Ariel Quilang na tuloy tuloy ang malasakit ang pamamahagi ng tulong mula sa PNP hanggang sa tuluyang makabangon ang mga residenteng naapektuhan ng malawakang pagbaha. with reports from Bombo Efren Reyes Jr.