Tumaas pa ang bilang ng mga inilikas dahil sa banta ng bagyong Leon sa probinsiya ng Cagayan.
Sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kahapon ng alas kwatro ng hapon, nasa 2,817 na pamilya na may 8,228 na indibiduwal ang lumikas dahil sa bagyo.
Mula sa nasabing bilang, 381 na pamilya na binubuo ng 1,144 na indibiduwal ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak.
Nasa 2,481 na pamilya na may 7,127 na indibiduwal naman ang kasalukuyang nasa iba’t-ibang evacuation center.
Ayon sa PDRRMO, karamihan sa mga inilikas ay nagmula sa isinagawang pre-emptive evacuation ng mga munisipalidad sa lalawigan.
Sa ngayon, patuloy na nakaalerto ang PDRRMO sa pagmomonitor sa mga lugar na nakararanas ng epekto ng bagyo upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.