Umakyat na sa 920 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 3,360 ang nasugatan sa magkasunod na malalakas na lindol na tumama sa Venezuela.

Patuloy ang search and rescue operations sa mga gumuhong gusali, kung saan umaasa ang ilang pamilya na maililigtas pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Isang pamilya ang nagsabing narinig pa nilang umungol ang kanilang kaanak na na-trap sa ilalim ng mga guho.

Kabilang naman sa mga nailigtas ang isang bagong silang na sanggol, habang sinabi ng pamahalaan ng Venezuela na may 172 pang katao ang pinaniniwalaang nakakulong sa mga gumuhong istruktura.

Ang magnitude 7.2 at 7.5 na lindol ay tumama nang wala pang isang minutong pagitan habang ipinagdiriwang ng bansa ang isang national holiday.

-- ADVERTISEMENT --