
Nasabat ng mga awtoridad sa Thailand ang 1,178 kilo ng crystal methamphetamine o shabu na sinasabing sakay ng isang barko at patungong Pilipinas.
Arestado ang anim na Thai crew members, kabilang ang kapitan, matapos maharang ang barkong East Harbour 1 sa Gulf of Thailand.
Natagpuan ang droga sa 39 sako na itinago sa isang secret compartment sa hulihan ng barko. Tinatayang nasa 600 milyon hanggang 1.2 bilyong baht ang halaga nito, depende sa purity.
Ayon sa pulisya, nagsimula ang imbestigasyon matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot ang barko sa international drug trafficking network. Patuloy naman ang operasyon para matukoy at maaresto ang iba pang posibleng sangkot.










