Nakuha ang mahigit P14.62 million na pinaghihinalaang shabu ng mga mangingisda sa katubigan ng Zambales at kalapit na Bataan.

Nakita ng walong mangingisda mula sa Barangay Matain sa Zambales ang dalawang plastic bags na naglalaman ng 1,800 grams ng shabu, na may halagang P12.24 million.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zambales na nakita ang nasabing illegal drugs na palutang-lutang malapit Lubang Island.

Sumunod ay nakita ng isang mangingisda mula sa Barangay Camaya sa Mariveles, Bataan ang isa pang plastic bags na naglalaman ng 350 grams ng shabu, na nagkakahalaga ng P2.38 million.

Ipinasakamay ang mga na-recover na droga sa mga tanggapan ng PDEA sa Zambales at Bataan at ililipat sa PDEA national headquarters para sa karagdagang investigation.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos naman ng PDEA Central Luzon ang joint investigation ng PDEA offices sa Zambales at Bataan upang matukoy ang pinanggalingan ng mga droga at alamin ang posibleng koneksiyon ng dalawang insidente.