Mahigit P17 milyon na halaga ng marijuana ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa limang plantation site sa bulubunduking bahagi ng Barangay Locog, Tinglayan, Kalinga.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lt. Alexander Malasi, hepe ng Tinglayan-PNP na nagsimula ang pagsusunog ng marijuana nitong Oktubre 16 sa limang plantation site na pinuntahan ng mga operatiba.
Ayon kay Malasi, 22,700 na tanim na marijuana ang agad binunot at sinira ng mga otoridad habang 105,000 kilo ng dried marijuana stalks ang sinunog ng operatiba.
Gayonman, walang nahuling cultivator sa naturang operasyon ng mga otoridad na nagtapos kahapon, October 18.