Tuguegarao City- Umaabot sa mahigit P1M marijuana ang sinira ng mga otoridad mula sa 700sqm na plantation site sa brgy. Tulgao East, Tinglayan, Kalinga.

Sa panayam kay PCOL Davy Vicente Limmong, direktor ng PNP Kalinga, natunton nila ang lugar matapos ang pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay.

Aniya ay malapit lang sa kabahayan ang plantation site kaya’t mabilis lamang nilang napuntahan ang lugar.

Paliwanag ni Limmong, sinasamantala ng mga cultivators ang magtanim ng marijuana matapos ang inilatag na mga quarantine protocols na naglilimita sa galaw ng publiko upang hindi sila agad makita.

Bagamat walang nahuling mga cultivators sa lugar ay tiniyak ni Limmong ang pagsisikap ng kanilang hanay upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito at mapanagot sa batas.

-- ADVERTISEMENT --