Nakarekober ang mga awtoridad sa Kalinga ng mga sako na naglalaman ng marijuana bricks.

Una rito, may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga inabandonang mga sako sa Sitio Tangilig, Barangay Upper Bangad, Tinglayan, Kalinga.

Agad na nagsagawa ng beripikasyon ang Tinglayan Municipal Police Station at 2nd Provincial Mobile Force Company, Kalinga Police Provincial Office, kung saan nadatnan nila ang mga nasabing sako.

Nang usisain ang mga sako, naglalaman ang mga ito ng 217 marijuana bricks na may tinatayang timbang na 217 kilos at tinatayang nagkakahalaga ng Mahigit P26 million.

Ayon sa pulisya, iniwan ng mga responsable ang mga nasabing marijuana sa liblib na lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Isinagawa ang inventory sa mga nasabing marijuana sa lugar.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung sino-sino ang responsable sa inabandonang mga sako ng marijuana.

Bukod ito, inaalam din ng mga awtoridad ang posibleng drug network na kumikilos sa Cordillera Administrative Region at sa mga kalapit na lugar.