TUGUEGARAO CITY-Umaabot sa mahigit P41 milyon na marijuana ang sinira at sinunog ng mga otoridad sa probinsya ng Kalinga.

Ayon kay P/col Davy Vicente Limmong, provincial director ng Kalinga-PNP, ito ay resulta ng kanilang tuloy-tuloy na kampanya at koordinasyon sa mga brgy. Officials at mamamayan laban sa illegal na droga.

Aniya, nasa 8000 square meters na taniman ng marijuana ang kanilang nadiskubre sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Loccong, Tinglayan kung saan kanilang binunot ang nasa 80,000 na fully grown marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P16milyon.

Bukod dito, sinabi ni Limmong na nakita rin sa lugar ang 210 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana na handa ng ibenta na nagkakahalaga naman ng P25milyon.

Dahil dito, umaabot sa mahigit P41milyon ang kabuuang halaga ng kanilang nasira na marijuana mula sa ilang araw na operasyon katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at CIDG.

-- ADVERTISEMENT --

Bigo namang mahuli ng mga otoridad ang marijuana cultivator sa lugar.

Kaugnay nit, sinabi ni Limmong na tuloy ang kanilang pag-iikot sa nasasakupang lugar para matiyak na masira ang mga plantation ng marijuana.