Photo credit to: DepEd R02

TUGUEGARAO CITY- Umaabot sa mahigit P90M ang halaga ng mga pasilidad at learning materials ng Department of Education Region 2 ang nasira dahil sa pagbaha.

Sinabi ni Benjamin Paragas, director ng DepEd Region 2, 327 na silid-aralan at mga opisina ang nalubog sa tubig baha.

Bukod dito, sinabi ni Paragas na maraming learning materials kabilang ang mga computers at iba pang gadgets ang nasira.

Kaugany nito, sinabi ni Paragas na binigyan din nila ng tulong ang nasa 2, 856 na learners at mga kawani na naapektuhan ng din pagbaha sa buong rehion.