
Asahan ang pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na linggo.
Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa four-day trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS), magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng langis sa June 17.
Ang tinatayang dagdag sa presyo ng gasolina ay P.90 hanggang P1.40 per liter, sa diesel ay mula P1.00 hanggang P1.40 per liter, at sa kerosene ay mula P1.00 hanggang P1.20 per liter.
Sinabi ni Romero na kabilang sa mga dahilan ng oil price increase ay ang nakabinbin na US – Iran nuclear negotiations, at ang patuloy na pagtaas ng demand sa langis hanggang sa susunod na dalawa at kalahating dekada, ayon sa OPEC.
Iaanunsiyo ang opisyal na paggalaw sa presyo ng langis sa Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.