Asahan ang mahigit isang piso na bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang mahigit limang piso na oil price hike noong Martes.

Narito ang tinatayang bawas sa presyo ng langis sa araw ng Martes:

Gasoline – P1.00 to P1.40 per liter
Diesel – P1.60 to P2.10 per liter 
Kerosene – P2.00 to P2.20 per liter

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang pagtaya ay base sa four-day trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS).

Sinabi ni Romero ang inaasahang bawas sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng pahayag ni US Presidente Donald Trump na ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Ang MOPS ang basehan sa presyuhan ng refined petoluem products sa Southeast Asia.

Ginagamit ng local oil indutry ang MOPS; ang araw-araw na average sa lahat ng trading transactions sa pagitan ng buyers at sellers ng petroluem products batay sa assessment ng Standard and Poor’s Platts.

Una rito, sinabi ni DOE officer-in-charge Sharon Garin na ang average price ng crude oil ay bumaba matapos na sabihin ni Trump na umiiral na ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.

Matatandaan na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang mahigit P5 na dagdag-presyo sa dalawang tranche, noong Martes at kahapon.