Mahigit siyam na milyong balota na ang naimprinta isang linggo matapos magsimula muli ang proseso ng pag-imprinta sa National Printing Office (NPO) ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia na 9.4 milyong balota na ang naiproseso para sa darating na 2025 midterm elections.
Inaasahan ng COMELEC na kakailanganin pa ng higit 62 milyong balota upang makamit ang target na higit sa 70 milyong balota para sa buong bansa.
Plano ng poll body na mag-imprinta ng 1.5 milyong balota kada linggo upang matugunan ang kanilang timeline bago ang halalan sa Mayo.
Inanunsyo ni Garcia na layunin nilang matapos ang pag-imprinta ng mga balota sa Abril 14 at maipamahagi ang mga election materials sa iba’t ibang bahagi ng bansa dalawang linggo bago ang halalan sa Mayo 12.
Gayunpaman, nagkaroon ng ilang pagkaantala sa proseso ng pag-imprinta matapos maglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Orders (TRO) hinggil sa mga diskwalipikasyon ng ilang mga kandidato.