May mga pag-uulan pa ring inaasahan sa silangang mga bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa kabila ng pamamayagpag ng easterlies.
Pangkalahatang maayos at medyo mainit na panahon naman ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Babala ng weather bureau, mapanganib na heat index o damang init sa katawan ang mararanasan ngtayong araw sa Metro Manila at Central Luzon dahil sa easterlies.
Makulimlim at may tiyansan mahina hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan naman sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Oriental.
Posibleng ring maaapektuhang ang mga karatig na rehiyon. Bahagyang maulap hanggang sa minsang makulimlim at medyo mainit naman sa nalalabing bahagi ng bansa, ngunit may tiyansa pa rin ng mga localized thunderstorm.
Inaasahang muling magbabalik ang 𝗔𝗠𝗜𝗛𝗔𝗡 (𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛𝗘𝗔𝗦𝗧 𝗠𝗢𝗡𝗦𝗢𝗢𝗡) sa huling bahagi ng linggong ito.
Ganunpaman, asahang pahina na ito nang pahina na hudyat ng papalapit na tag-init.
𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 na posibleng direktang makaapekto sa bansa sa loob ng susunod na limang (5) araw.