TUGUEGARAO CITY-Nakulangan ang makabayan bloc sa naging laman ng State Of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa pagbibigay ng hakbang para masolusyonan ang kasalukuyang kinakaharap na krisis na dulot ng covid-19.

Ayon kay Congressman Ferdinand Gaite ng Makabayan Bloc, kulang o hindi binigyang diin ni Pangulong Duterte ang malubhang problema na dulot ng covid-19 pandemic lalo na sa kalusugan, ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan ng bansa.

Aniya, parang inedit lamang ang dating polisiya o position ng gobyerno at idinagdag lamang ang usapin na may kaugnayan sa covid-19.

Sinabi ni Gaite na sana ay nagfocus ang pangulo sa kinakaharap na krisis at hindi sa usapin ng Anti-terror law maging ang planong muling pagbuhay ng death penalty.

Dagdag pa ni Gaite na hindi ito ang panahon ng mga naturang hakbang sa halip ay kailangan magbigay ng komprehensibong plano ang pamahalaan para malabanan at hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga natatamaan at namamatay dahil sa virus.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Congressman Ferdinand Gaite

Pinuna rin ni Cong. Gaite ang economic fundamental ng bansa kung saan kanyang sinabi na hindi umano ito tama.

Marami umanong programa ang pamahalaan na hindi naman nakatuon sa ekonomiyang may kakayahan na magpaunlad ng sariling industriya, agrikultura, edukasyon, kalusugan at maraming pang iba.

Sinabi ni Gaite na hindi self-sufficient ang ekonomiya ng bansa at laging paasa sa foreign investment na lalong nagpapahirap sa mga Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemic .

Tinig ni Congressman Ferdinand Gaite