
Pinabulaanan ng Malakanyang ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay biktima ng kidnapping ng pamahalaan sa kanyang pagtanggi na dumalo sa pagdinig ng International Criminal Court’s (ICC) sa susunod na linggo.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, pinauubaya na ng pamahalaan ang pagdinig sa RA 9851.
Tinukoy ni Castro ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.
Ipinaliwanag ni Castro na sa ilalim ng Section 17, hindi na makikialam ang mga awtoridad ng bansa sa international tribunal kung sinimulan na ang pagdinig o iniimbestigahan.
Idinagdag pa ni Castro na ang mga reklamo laban kay Duterte ay inihain ng mga mamamayan ng bansa na sa kanilang pakiramdam ay hindi makukuha ang hustisya sa bansa sa nasabing panahon.
Kasabay nito, sinabi ni Castro na magakakaroon ng epekto sa kaso ni Duterte na crimes against humanity ang anunsiyo ng kanyang anak na si VP Sara na tumakbo bilang presidente sa 2028 elections.










