Asahan pa rin ang makulimlim at may pabugsu-bugsong ulan ngayong gabi hanggang madaling araw dahil sa pagpasok ng habagat na hinahatak ng bagyong Isang.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bayan ng Maddela, Quirino, kaninang 3:00 PM.
Ito ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h at inaasahang patuloy na tatawirin ang Northern Luzon bago lumabas sa West Philippine Sea bago maghatinggabi.
Bagamat mahina ang dalang hangin at malayo ang bagyo, 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁 (𝘀𝗼𝘂𝘁𝗵𝘄𝗲𝘀𝘁 𝗺𝗼𝗻𝘀𝗼𝗼𝗻) 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝘁𝗮𝗸 𝗻𝗶𝘁𝗼.
Inaasahang magpapatuloy ang makulimlim na panahon at pabugsu-bugsong ulan 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀 (𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟱) 𝗼 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀 (𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟲) dahil sa patuloy na epekto ng habagat.
-- ADVERTISEMENT --