
Pinagkokomento ng Korte Suprema ng Pilipinas ang Malacañang kaugnay sa petisyong inihain ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sa petisyon, hiniling na atasan ang Pangulo na sumailalim sa pisikal at mental na pagsusuri, kabilang ang drug test gamit ang hair follicle method.
Nais din ng petitioner na ilabas sa publiko ang resulta ng medical exam upang mapatunayan ang kalusugan at kakayahan ng Pangulo sa pagtupad ng kanyang tungkulin.
Binigyan ng Korte Suprema ng Pilipinas ng sampung araw ang Malacañang at iba pang respondent para magsumite ng kanilang komento, at hindi na ito maaaring palawigin.
Sa ngayon, inaantabayanan ang magiging tugon ng Malacañang sa nasabing petisyon.
-- ADVERTISEMENT --










