Itinanggi ng Malacañang ang mga post sa social media na sasailalim umano sa operasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa diverticulitis.

Sa isang press briefing, tinawag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, na “fake news” ang naturang impormasyon, at sinabing nasa isang pagpupulong ang Pangulo kahapon.

Ayon pa kay Castro, maayos ang kondisyon ng Pangulo matapos siyang isailalim sa medical observation noong nakaraang linggo dahil sa diverticulitis, o ang pamamaga ng mga abnormal na umbok sa dingding ng malaking bituka.

Noong Enero 22, naglabas si Marcos ng isang video message upang tiyakin sa publiko na maayos ang kaniyang kalagayan. Inihayag din niya na hindi banta sa buhay ang kaniyang karamdaman.

Ang Diverticulitis ay isang kondisyon na nakaaapekto sa digestive system.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay nagiging sanhi ng problema sa bowel movements at maaaring maging sanhi ng matindi at pabigla-biglang sakit sa tiyan.