
Kinuwestyon ng Malacañang ang pahayag ni Senator Imee Marcos na humingi ng tawad sa kanilang ama dahil umano sa “hindi pagbabantay” kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa senadora, sinubukan niyang bantayan ang kapatid ngunit hindi niya kinaya, at nagalit pa umano sa kanya ang pangulo.
Bwelta ni Palace Press Officer Claire Castro, dapat linawin kung sino talaga ang kailangang bantayan, gayong ang pangulo aniya ay hindi nagmumura, hindi nagwawala sa publiko, at hindi nagbabanta sa iba.
Binigyang-diin din ni Castro na ang pangulo ay pamilyadong tao at tapat sa kanyang asawa.
Sa kabila nito, sinabi ng Palasyo na nananatiling nakatutok ang pangulo sa trabaho at hindi pumapatol sa mga banat.
-- ADVERTISEMENT --










