
Inihayag ng Malacañang na tambak na ang trabaho ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga indibidual na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.
Sa press conference, tinanong si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa kanyang breaksyon na may ilang indibidual na dismayado dahil sa wala pang malalaking isda na nakukulong sa gitna kaugnay sa mga maanomalyang flood control projects at dapat ay pinataas ng paglikha ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang inaasahan ng publiko sa administrasyon.
Sinabi ni Castro na marami nang naisumite ang ICI na mga dokumento sa DOJ at Ombudsman, at sa kanilang mga nairekomenda, nakasuhan o iniimbestigahan pa ay nasa kamay na ng dalawang ahensiya.
Kasabay nito, tiniyak ni Castro na tutuparin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pangako na pananagutin ang mga inidibidual na sangkot sa korapsyon.
Nilikha ng pangulo ang ICI sa pamamagitan ng Executive Order No. 94 noong Setytembre bilang isang non-partisan fact-finding body na inatasang magsagawa ng imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control at iba pang infrastructure projects sa nakalipas na 10 taon.










