
Hinimok ng Malacañang ang publiko na manatiling alerto matapos kumalat online ang mga ulat tungkol sa umano’y planong paglunsad ng pagkilos laban sa Palasyo sa darating na June 12 o Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala pa umanong opisyal na kumpirmasyon hinggil sa sinasabing destabilization plot ngunit patuloy itong bineberipika ng mga awtoridad.
“Pero hindi naman bago ang mga ganitong aksyon dahil noon pa nila nais iluklok sa pwesto ang kanilang poon na gahaman sa kapangyarihan kahit wala pa ang 2028,” pahayag ni Usec. Claire Castro.
Dagdag pa niya, nakahanda ang pamahalaan na tumugon sa anumang iligal na hakbang na may kaugnayan sa tangkang agawin ang kapangyarihan.
Nauna nang binanggit ni broadcaster Ramon Tulfo ang isang umano’y intelligence briefing sa Camp Crame na nagsasabing may posibleng tangkang paglusob sa Malacañang na umano’y pangungunahan ng mga grupong maka-VP Sara Duterte at isang religious sect.
“Mag-ingat po tayong lahat sa mga kampon ng kadiliman,” dagdag ni Castro.










