Dumaan umano sa masusing konsiderasyon at pag-aaral ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-veto sa PNP Reform Bill.

Ipinaliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi sang-ayon ang pangulo sa nakasaad sa nasabing panukalang batas na pagbabago sa sahod ng mga pulis na posibleng magbubunsod umano ng hindi patas na disparities sa mga opisyal ng PNP.

Sinabi niya na naniniwala ang Pangulo na mahalagang mapanatili ang pagiging patas at pagkakapantay-pantay ng kompensasyon para sa lahat ng miyembro ng PNP.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbuo ng bagong mga opisina sa loob ng PNP na posible na maging sanhi ng burukrasya at hindi magiging mabisa para sa institusyon.

Idinagdag pa ni Bersamin na may bahagi din ng panukala na hindi umano malinaw tulad ng retroactive benefits ng mga opisyal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila nito, tiniyak ni Bersamin ang suporta ni Pangulong Marcos sa PNP at ang anomang reporma na nais na ipatupad ay dapat patas at epektibo.