Wala pang reaksyon ang Malacañang sa pag-apruba ng House of Representatives sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Matatandaang ilang beses nang dumistansya ang Palasyo kaugnay sa impeachment ni Duterte dahil hindi maaaring diktahan ng Ehekutibo ang co-equal branch ng pamahalaan.
Ayaw ring makialam ni Pangulong Bongbong Marcos sa usapin dahil nirerespeto niya ang Kongreso bilang isang institusyon.
Nauna na ring nanawagan si Pangulong Marcos sa Kongreso na huwag nang pagtuunan ng pansin si VP Sara dahil hindi naman ito importante.
Makasasagabal lamang aniya ang impeachment sa tunay na mandato ng gobyerno at mahahalagang bagay na dapat asikasuhin.
-- ADVERTISEMENT --