Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko sa epekto ng krisis sa Middle East sa suplay ng langis at pangunahing bilihin sa bansa.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na hindi kailangang mag-panic buying dahil may sapat na suplay.

Ayon kay Castro, batay sa abiso ng Department of Trade and Industry (DTI), walang paggalaw sa presyo ng mga basic commodities sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.

Idinagdag pa ni Castro na agad na isumbong sa DTI at Department of Energy ang “abnormal” na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at mga produktong petrolyo.

Nagbabala ang Malacañang laban sa mga sangkot sa profiteering na nagsasamantala sa patuloy na tensyon sa Middle East, at iginiit na hahabulin sila ng batas.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy ang monitoring ng pamahalaan sa presyo ng mga pangunahingh bilihin sa merkado bunsod ng pagtaas sa presyo ng langis.