Tiniyak ng Malacañang na hindi nakakalimot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kabila ng pahayag ni dating Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson na tila hindi na siya kilala ng Pangulo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi nya pa tiyak kung nakarating na kay Pangulong Marcos ang sentimyento ni Singson, ngunit posibleng hindi lang daw nagkakaroon ng pagkakataong magkausap ang dalawa.

Nabatid na sinabi ni Singson sa isang interview na tila may Alzheimer’s na si Pangulong Marcos dahil hindi na raw siya pinansin matapos ang eleksyon.

Kaya hindi na raw nito muling susuportahan ang mga Marcos.