Naapektuhan ng malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat ang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Nueva Vizcaya kaya nakaranas ng dalawang oras na blackout sa Cagayan Valley at karatig na probinsiya, kagabi.
Paliwanag ni Ernest Vidal, tagapagsalita ng NGCP na limang probinsiya na kinabibilangan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Kalinga at Apayao ang nawalan ng kuryente bandang 6:41 ng gabi matapos magtrip off ang kanilang main power lines dahil sa sama ng panahon
Gayunman bago mag-alas 9:00 kagabi ay naibalik rin ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Luzon.