Isang sunog ang nangyari kagabi sa Campos Street, Caritan Sur, Tuguegarao City.

Nagsimula ang apoy ng 10 p.m. at naapula bago maghatinggabi.

Apat na bahay ang tinupok ng apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit na mga gusali sa nasabing lugar.

Agad naman na dumating ang fire trucks at mga bombero ng BFP Tuguegarao, bilang first responders, bago dumating para tumulong sa pag-apula ng apoy ang BFP Iguig, BFP Enrile, BFP Solana, ar BFP Peñablanca.

-- ADVERTISEMENT --

Magsasagawa ng imbestigasyon ang amg BFP sa sanhi ng sunog at kung magkano ang pinsala na iniwan ng sunog.

Matapos na maapula ang apoy, nagbantay pa rin ang mga awtoridad sa paligid ng lugar para sa kaligtasan ng mga naapektohan at maiwasan ang hindi kanais-nais na pangyayari.

Samantala, isang lalaki ang nasugatan at dinala sa ospital matapos na maaksidente ang sinakyang niyang motorsiklo malapit sa lugar ng sunog.