Madalas nating marinig na may dalang ‘malas” ang Friday the 13th.

Ngayon, Feb. 13, ang isa sa mga araw kung kailan natapos ang petsang 13 sa araw ng Biyernes.

Ngunit bakit nga ba may pamahiing malas ang Friday the 13th?

Ipinaliwanag ni Charles Panati sa aklat niyang “Extraordinary Origins of Everyday Things” na isa sa mga pinagmulan ng Friday the 13th ay ang biblical story ng “Last Supper” na dinaluhan ni Hesukristo at ng kaniyang mga disipulo noong Huwebes Santo.

Mula rito, ang ika-13 umanong dumating sa hapunan ay si Judas Iscariote, ang disipulong nagkanulo kay Hesus.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, ilan pa umano sa mga dahilan kaya’t tinuturing na “malas” ang Biyernes ay dahil ito raw ang araw kung kailan kinain nina Adan at Eba ang pinagbabawal na prutas sa Puno ng Karunungan, ang araw kung kailan pinatay ni Cain ang kapatid niyang si Abel, kung kailan bumagsak ang Templo ni Solomon, at ang araw nang maglayag ang arko ni Noah sa Great Flood.

Sa ika-19 na siglo, naging kasingkahulugan din umano ng kamalasan ang Friday the 13th.

Dahil sa naturang pamahiin na tila pinatagal na rin ng panahon, mayroong ilang naniniwala hanggang ngayon na kailangang magdoble ingat sa araw na ito dahil maaaring may masama raw mangyari.

Bukod sa mga nasabing pangyayari, marami pang mga trahedya ang nangyari sa Friday the 13th noong unang panahon.

October 13, 1307, Biyernes, nang arestuhin, pinahirapan at ipapatay ni King Philip IV ang Knight of Templars o ang Western Christian Military noong Middle Ages.

Sa Italy, itinuturing na malas ang Friday the 13th gaya ng isang Italian composer na si Gioachinio Rosinni na ayaw na ayaw ang nasabing araw, at namatay eksaktong November 13, 1868, Biyernes.

Sa Britanya, ang Biyernes at numerong 13 ay tinatawag nilang ‘Capital Punishment’.

Ang araw ng Biyernes ay tinuturing nilang ‘the day of the hangman or the noose‘ dahil sa araw na ito isinasagawa at isinasapubliko ang pagbibitay.

Sa Finland, may mga researches na kadalasang namamatay ang mga kababaihan tuwing Friday the 13th dahil sa anxiety disorder na nagiging rason ng mga traffic-related accidents na kinabibilangan nila.

Sa Brazil, ang Friday the 13th ng Agosto ay itinuturing na malas dahil katunog nito ang salitang ‘desgosto’ na nangangahulugang sorrow o matinding kalungkutan.

Sa Egypt, ang paniniwala ng mga ancient Egyptians na swerte ang numerong 13 dahil sa 13th Stage of Life o ‘Afterlife’ ay naging ‘End of Earthly Life’ mula nang unti-unting nawala ang kanilang sibilisasyon.

Nagbago ang konotasyon nila sa naturang numero na mula hope ay naging simbulo ng death and fear.

Sa Turkey, mahigit 2000 katao ang namatay at 50,000 ang nawalan ng tirahan dahil sa tumamang Magnitude 6.1 na lindol noong Marso 13, 1992, Biyernes.

Sa Amerika, marami ang nagkaroon ng phobia na tinatawag na Friggatriskaidekaphobia, ang ‘fear of Friday the 13th’, na labis na nakaaapekto sa buhay ng nasa 17 to 21 milyon na mga Amerikano. Dahil dito may takot ang mga ito na lumabas ng bahay na nagiging sanhi nang hindi nila pagtatrabaho at pagpunta sa doktor. Labis din ang panic na dulot nito na maaari pang maging rason ng depression at suicide.

Sa Numerology, itinuturing na evil ang numerong sumusunod sa number 12 na itinuturing namang ‘more complete’. Mayroong 12-buwan sa isang taon at 12-zodiac signs. At dahil ang numerong 13 ang sumusunod sa 12, ito ay senyales raw ng kamalasan.

Walang 13th floor ang mga ospital, buildings, at ang ibang terminal ay hindi naglalagay ng mga rooms at gates na mayroong number 13.

Ang ‘Friday’ at ’13’ ay sinasabing parehong may pinanggalingang pangyayari sa nakaraan na nagpapakita na evil o malas ito.