Isang malayang bansa ang Pilipinas.

Reaksion ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ulat na plano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at dalawa niyang anak na lalaki na tumakbo sa senado sa 2025 midterm elections.

Sinabi ng pangulo na karapatan nila na gawin ang gusto nilang gawin.

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na maaga pa bago ang eleksion.

Idinagdag pa ni Marcos na ang pinag-uusapan ay sa 2028 at marami pa umanong mangyayari ngayon at sa nasabing taon.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na magiging malinaw ang sitwasyon sa paghahain ng kandidatura sa Oktubre.

Una rito, sinabi ni Vice President Sara Duterte, na kamakailan lang ay umalis sa gabinete ni Marcos na tatakbo bilang senador ang kanyang ama at dalawa niyang kapatid na sina Davao Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte.