Pinayuhan ng mga mambabatas ng Kamara ang mga resource person sa ginagawang imbestigasyon ng House Blue Ribbon Committee ukol sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at DEPED.
Ito’y matapos maospital ang dalawa sa mga opsiyal ng OVP, partikular si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez dahil sa acute stress disorder at si Special Disbursing Officer Gina Acosta na tumaas ang presyon.
Ipinaalala ni La Union Rep. Paolo Ortega ang matagal nang kasabihan na ‘the truth will set you free’.
Inihalimbawa pa niya si dating PCSO General Manager Royina Garma na matapos sabihin ang katotohanan sa Quad Committee ay mas relax at gumaan ang kaniyang paglalahad sa komite
Sinusugan ito ni Zambales Rep. Jay Khonghun at sinabi na nakakatanggal ng sakit ang pagsasabi ng totoo.
Naniniwala rin si AKO BICOL Rep. Jil Bongalon na mas mabilis matatapos ang imbestigasyon ng komite kung makikipag tulungan lang ang mga resource person at hindi na sila mahihirapa na magpabalik-balik sa pagpunta dito sa komite.