TUGUEGARAO CITY- Huli ang isang mandurukot kaninang umaga sa Tuguegarao City.

Batay sa tala ng PNP Tuguegarao, naglalakad si Mia Sumayang, 18, estudyante at residente ng Inga, Enrile, Cagayan sa Gomez st., Centro 7, Tuguegarao City nang lapitan siya ng isang vendor na si Rene Dalit at sinabing nakita niya na binuksan ni Jenifer Bacud ang kanyang backpack at kinuha ang kanyang cellphone at P200.

Dito na umano tumakbo ang suspek kaya hinabol sila ng biktima at ang vendor at isang pulis na si PSSg Val Ryan hanggang sa mahuli nila ito sa Burgos st.Centro 6.

Nabawi mula sa suspek ang cellphone at pera ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --