Nakarating na sa Italy ang mangga ng ating bansa, kung saan ito ang unang commercial shipment ng nasabing prutas sa nasabing bansa, kung saan mahigit isang tonelada ang na-export.

Ang pangasinan farms ang nag-supply ng mga mangga sa unang batch ng export.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pinakahuling export ay hihikayat sa local mango farmers na magkaroon ng premium quality dahil sa lilikha din ito ng karagdagang mga trabaho at tataas ang kita sa agricultural sector.

Idinagdag pa ni Tiu Laurel na ang nasabing export sa Rome ay makakahikayat din ng pamumuhunan mula sa pamahalaan at sa pribadong sektor, na magpapaangat pa sa competitiveness ng mangga ng Pilipinas.

Ayon naman sa Department of Trade and Industry na ang mango industry ay source ng livelihood ng nasa 2.5 million na magsasaka.

-- ADVERTISEMENT --

Ang bansa din ang isa sa top exporters ng fresh at dried mangoes sa international market.

Ayon sa Philippine Mango Industry Roadmap 2021–2025, ang target export markets para sa mga mangga ng bansa ay kinabibilangan ng China, European Union, Japan, Russia, South Korea at United Arab Emirates.

Ang pangunahing kakompetensiya ng bansa sa merkado ay ang mga mangga mula sa Thailand.