Nais ng nagbabalik na Manila Mayor na si Isko Domagoso Moreno na magka ayos silang muli ng mga naging kalaban niya sa nakaraang halalan tulad nina outgoing Mayor Honey Lacuna at mga kakampi nito.
Ayon kay Isko, oras na para muling magkaisa ang mga naging magkakatunggali sa lokal na eleksiyon sa lungsod para sa kapakanan ng mga Manilenyo.
Una nang nag-concede sa mayoral race si Sam Versoza nang pumangatlo ito sa kanilang labanan nina Isko at Lacuna.
Samantala, nagpasalamat ang Mayor elect sa lahat ng sumuporta sa kanila ng kanyang ka-tandem na si Vice Mayor-elect Chi Atienza.
Aniya, handa na silang muling linisin, pagandahin ang Maynila at walisin ang mga tolonges na sumisira sa tiwala ng publiko sa kanilang lungsod.
-- ADVERTISEMENT --