Kabilang ang Manila sa limang pinakamapanganib na lungsod para sa mga turista batay sa Forbes Advisor, isang global platform na tumutulong sa consumers sa paggawa ng informed financial decisions.

Ikinumpara ng platform ang 60 international cities sa iba’t ibang mahahalagang metrics na kinabibilangan ng krimen, personal security, health security, infrastructure, natural disaster at digital security risks.

Sa mga lungsod, panglima ang Manila na pinapakamapanganib na lungsod.

Tinukoy sa report na ang Manila ang may pinakamataas na natural disaster risk, panglima sa may pinakamataas na security risk at pangpito na may pinakamataas na health security risk.

Binigyang-diin ang pagiging vulnerable ng lungsod sa mga kalamidad, isyu sa seguridad at kalusugan na posibleng maging banta sa mga dayuhan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Caracas naman sa Venezuela ang pinakamapanganib na lungsod para sa mga turista, pumangalawa ang Karachi, Pakistan, sinundan ng Yangon sa Myanmar at pang-apat ang Nigeria.

Ang Singapore naman ang pinangalanan na pinakaligtas na lungsod na sinundan ng Tokyo, Japan at Toronton, Canada.