Nangako umano si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na babalik sa Pilipinas sa Pebrero 15.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, Enero 16, nananatili pa rin si Bonoan sa Estados Unidos.

Humiling umano ang dating kalihim ng isang buwan na ekstensyon dahil sa pagpapalit ng schedule sa surgery ng kanyang asawa.

Samantala, nanawagan ang Malacañang kay Bonoan na mas makabubuting bumalik sa Pilipinas upang makapagbigay ng mas magandang impormasyon para maituro ang mga sangkot sa flood control scam.