Patay ang mag-asawang matatanda na matapos silang pagsasaksakin ng kanilang manugang sa San Lorenzo, Guimaras.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya ng San Lorenzo, hindi umano sumang-ayon ang mag-asawa nang iuwi ng kanilang manugang bagong kinakasama sa bahay nila ng kanyang dating asawa na sumakabilang buhay.

Ayon sa pulisya, ang bahay ng suspek ay nasa parehong compound ng mga biktima.

Sinabi ng pulisya na lasing noon ang suspek nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo sa kanyang mga biyenan, hanggang sa lumala ang sitwasyon.

Kinuha umano ng suspek ang isang patalim at ilang beses na sinaksak ang mag-asawa.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtamo ng 12 saksak sa katawan ang babae na 68 anyos, habang ang kanyang asawa na 68-anyos din ay may apat na saksak.

Nasa kustodiya na ng San Lorenzo Municipal Police ang suspek at nahaharap sa kasong double murder at dalawang bilang ng attempted homicide.