Lalo pang lumakas si Marce at ngayon ay isa ganap ba bagyo.

Namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa 590 kilometers sa silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 km/h malapit sa gitna at pagbugsona 150 km/h.

Ito ay kumikilos sa west northwestward sa bilis na 30 km/h.

Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

-- ADVERTISEMENT --

Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Bayombong, Solano, Quezon, Kasibu), northern portion ng Quirino (Diffun, Saguday, Cabarroguis, Aglipay, Maddela) northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

Tinaya na kikilos si Marce sa west northwestward ngayong araw na ito hanggang bukas ng umaga bago ito papuntang westward sa Philippine Sea sa silangan ng Extreme Northern Luzon.

Sa forecast track, posibleng mag-landfall si Marce sa bisinidad ng Babuyan Islands o sa northern portion ng mainland Cagayan Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.

Dahil sa kawalang katiyakan sa lakas ng high pressure area sa hilaga ni Marce, posibleng magbago pa ang forecast track at dadalhin ang landfall sa mainland Cagayan-Isabela area.

Tinaya na lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) region Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw.

Inaasahan na patuloy ang paglakas ni Marce at posibleng maabot peak intensity bago ang posibleng landfall sa Babuyan Islands o Cagayan.