Inilipat ng Sandiganbayan Third Division ang kustodiya kay Senador Rodante Marcoleta sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.

Ito ay matapos ipaalam ng Philippine General Hospital sa anti-graft court na walang finding sa kondisyon ni Marcoleta na nangangailangan ng hospitalization.

Maaalalang noong nakalipas na linggo, dinala si Marcoleta sa ospital matapos makaranas ng hypertension at mild pneumonia, subalit kalaunan ay idineklarang “fit” na o kaya nang humarap sa korte ng senador.

Naaresto si Marcoleta matapos sumuko sa kasong plunder kaugnay ng kabiguang ideklara ang P75 milyong campaign donations.