
Itinuring umano ni Senator Rodante Marcoleta na personal funds ang P75 milyong natanggap niyang donasyon mula sa tatlong indibidwal noong 2025, ayon sa isang opisyal ng Commission on Elections o Comelec.
Sa pagdinig sa kanyang petition for bail sa Sandiganbayan, sinabi ni Atty. Victoria Kadeja Besinio na nakasaad sa position paper ni Marcoleta na natanggap niya ang pera bilang pribadong indibidwal at hindi ito nakalaan o limitado para sa kanyang kampanya.
Sina Marcoleta, dating Sagip party-list representative, at ang tatlong donor na sina Michael Defensor, Joseph Espiritu at Aristotle Viray ay nahaharap sa P75 milyong plunder case kaugnay ng umano’y hindi idineklarang campaign donations, bukod pa sa kasong paglabag sa Presidential Decree 46.










