Inihayag ng Malacañang na bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pakikipagtulungan sa mga lehitimong oposisyon ngunit handang labanan ang mga tinaguriang “obstructionists” na inuuna lamang ang pansariling interes.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, umaasa ang Pangulo na ang mga nanalong kandidato sa Eleksyon 2025 ay tututok sa kapakanan ng taumbayan anuman ang kanilang kulay sa pulitika.

Paliwanag ni Castro, tinatanggap ng administrasyon ang mga oposisyon na tunay na nagtataguyod sa interes ng bansa.

Ngunit ang mga obstructionist na ginagamit lamang ang pagiging oposisyon bilang dahilan upang sirain at kontrahin ang pamahalaan ay hindi kukunsintihin.

Ayon naman kay Marcos, ang pamumuno ay isang responsibilidad na dapat pinagsasaluhan, kung kaya’t iniimbitahan niya ang lahat ng bagong halal na lider na magkaisa tungo sa iisang layunin—ang kapakanan ng sambayanan

-- ADVERTISEMENT --